Archive for November, 2013

Share the Road…

Posted: November 27, 2013 in Uncategorized
423077_406193232783579_997349794_n

14th Tour of the Fireflies (2012)

Ilang taon na rin akong “pop-corn” mode sa mga events ng Firefly Brigade bago ako sumali sa isa. Since 2009, nung bumalik ako sa pag-bike, na-engganyo na ako sa mga events at advocacy nila. Noong 2012 nga sumali ako sa 14th Tour of the Fireflies.

First time ko yun, considering non-profit NGO sila, masasabi kong very organized sila. Wala issue sa information dissemination, inform ang mga tao, alaga ang mga volunteers. Since the 14th TOF, sumasama na ako sa mge events nila, lalo na sa mga Critical Mass Rides (CMR). Enjoy ako sa mga CMR, kung saan saan nakakapunta, kung anu ano ang nakikita at kung sinu sino ang nakikilala. Maliban dun, dumadami rin yung gulo between motorist at bikers habang nasa CMR. Yung gulo sa may Circle, yung sigawan sa may Quezon Ave., yung diskusyunan sa may España. Lagi kong sinasabi, “Minsan lang ito pagbigyan nyo naman kami…” Pero minsan napapa-isip din ako, tama kaya yun.

1477941_564591110277123_887253144_n

15th Tour of the Fireflies

Dumating ang 15th Tour of the Fireflies, same place, start/finish sa Tiendesitas, nandyan ang mga Marshalls, ang mga Poilce escorts at mga pulutong ng mga siklistang kung saan-saan nagmula. Kung titignan, para natural lang, “same-old, same-old” ika nga, pero parang may kulang pa rin, parang may nagsasabi sa akin na may kakaiba sa taon na ito.

Una, hindi sila naglabas ng opisyal na ruta. Madami tuloy motoristang naabala kasi hindi nila alam na dadaanan pala yung peloton sa lugar na yun. Pangalawa, kulang ang visibility ng mga marshals, ang dami nila nung unang, pero sa katagalan, nawala sila. Pangatlo, kulang ang tulong ng partner LGU. Sa Marikina na nga lang, wala kang makikitang traffic enforcer or marshals, lalo na sa may fly over papapasok ng Marikina pagliko galling ng Katipunan, nakipagpatentrero kami sa mga patok na jeep na pababa ng Marcos Highway. Pagdating naman sa may Loyola, ang haba ng traffic ng mga sasakyan at ang bawat sikilista at parang mga dagang lumulusot sa paligtan ng mga jeep at iba pang sasakyang ipit sa traffic. Ako nga mismo siniksik ng 2 jeep na nag-uunahan sa pasahero at tanging simalba sa akin ay ang aking handle bar. Pang-apat, kulang sa tubig, sa buong ruta, 2 lang ang hydration station na nadaanan namin. At huli, ang ruta, hindi sya ganun ka “child-friendly”, puro fly overs, puro paakyat, puro busy street/high ways, yung ibang bata nahihirapan lalo na sa mga paahon. Yung isang pamilya nga na foreigners, hindi na kinaya kaya pagdating N. Domnigo, humiwalay na sila. Suma total, opinion ko, hindi sila prepared at hindi sila organized.

DSC_1720

Crank Warriors – 15th Tour of the Fireflies

Natapos naman ng matiwasay, maliban sa Miss Earth na sumemplang sa may C5 at dun sa nagka-cramps sa may SM Marikina, wala naman akong ibang nakitang ibang naaksidente. Natapos na maaga, maaga pa para sa laban ni Pacquiao. Pagkatapos naming mag-Jollibee, umuwi na rin kami. Pagdating sa bahay at pagkatapos makita yung resulta nung laban ni Manny, naghanap na ako sa mga pics sa FB kuha sa TOF, kaso mas maraming complains kaysa pics ang nakita at nabasa ko. Kaya napa-isip tuloy ako, sino ba ang may mali, kami bang mga siklista na naghari-harian sa daan or yung mga motoristang makilitid ang utak?

Sa tingin ko hindi lang iisang paning ang may problema… Una, yung mga oraganizers, kulang talaga sa awareness at information dissemination. Anu ba naman yung mag-guest sila sa mga morning shows or lumabas sa 24 Oras or TV Patrol or mag-padyaryo kahit isang buong buwan  bago yung event para malaman ng madla na may event sa araw na ito at iwasan nyo ang mga daang ito. Pwede din naman na maglagay ng notice sa mga major routes na dadaanan, para kung sinuman ang papadaan doon alam na may event sa araw na nakatakda sa lugar na yun. Pinaka simple, maglabas ng ruta buwan bago ang event. Ang mga siklista, nagtra-trabaho din yan, may mga kasama yan sa trabaho na gumagamit din ng sasakyan, kung alam nila ang mga rutang madadaaan, masasabihan nila yung mga kasama nila para makaiwas sa mga lugar ng event.

1441359_564598763609691_1691220072_n

36.0 KM Route

Pangalawa, yung mga LGUs, bilang LGU, kung nag-commit ka isa event na tulad ng TOF, sana naman be responsible enough manage your own turf. Maglagay ka ng Traffic Enforcers or Marshalls sa mga critical na lugar, ikaw na rin mag-disseminate ng mga information sa nasasakupan mo, mag-set ka ng mga alternative routes para sa mga motorist mo. Ang pagsuporta sa mga ganitong event at hindi lamang natatapos sa pagpapa-print ng logo mo sa Jersey ng siklista or sa pagpapadaan ng peloton sa lugar mo, sana na lang be responsible enough to take care and guarantee the safety of your riders and at the same time, don’t make your motorist suffers.

Pangatlo, ang mga motorist, bilang motorist, responsibilidad mo na alamin ang mga kaganap sa paligid mo. Hindi mo pwede isisi sa iba kung hindi mo inabutan ang laban ni Pacquiao dahil na sa sobrang traffic dahil lang may event. At kung maiipit ka man sa alangin, wag mo nang patulan ang mag siklista, 2 gulong nila, ikaw 4 tpos may motor ka pa, kaunting pina mo lang sa mga yan, semplang, tumba at worst, patay na yan, kaya relax lang.

Huli, ang mga siklista, Alamin mo man o hindi, madaming siklista ang barumbado at walang disciplina. Marami ang nagsasabing igaalang at pagbigyan naman daw ang mga siklista, pero pano mo naman sila igagalang kung karamihan sa kanila, hindi marunong sumunod sa batas trapiko. Lagi kasi nilang sinabi na ang batas trapiko ay para lamang sa mga sasakyan, pero mali po yun, ang batas trapiko ay ginawa pa sa sinumang gumadamit ng ating lansangan, mapa pedestrian, motor, kotse, jeep, trak or bike ka pa. Siguro kung disiplinado tayong lahat at sinunod natin ang mga marshalls na “single-lane lang po” hindi siguro ganun kadami ang na-traffic. Yung iba kasi, nag-over take pa sa mga Marshalls, akala mo may hinahabol, mga sirs, fun ride po ito hindi karera. Nagmamaneho rin ako dati, ilang beses na rin na-aksidente, isa lang ang natutunan ko, walang gulo sa kalsada at aksidente kung lahat may disciplina.

shareroad

“Share The Road”
– Bike – Cars – Pedestrian –

SHARE THE ROAD. Yan madalas kong makita sa mga jersey ng siklista at yan din ang madalas kong marinig sa kanila, at sa iba’t –ibang groups at club, pero sa tingin ko hindi lahat alam kung anu ang tunay na ibig sabihin ng sa mga salitang yan.

LINK : 15th Tour of the Fireflies Photo (c/o Diversions)

Disclaimer : ito po ay isang opinion lamang ng isang siklistang natural na usisero… Salamat!

Advertisements

Note : this one was originally uploaded December 24, 2010

Narrator : Busy sa panonood ng DVD ang tropa, nang biglang…

Red : huh?

Red : Guys, may tumatawag kay bossing…

F : Ibigay mo sa kanya, baka importante yan…

Red : Tulog sya eh…

All : Edi GISINGIN mo!

Red (Thinking) : Pa’no ito, sarap ng tulog nya, tulog mantika pa naman ito…

Boss… Boss… may tumatawag po…

Anak ng tekla! ang hirap gisingin… Buhusan ko kaya ito ng malamig na tubig…

Naku, 7 missed call na… malamang importante ito…

Alam ko na, kunin ko na lang yung message nya…

F, pa-bato naman ng Notepad at Pen dyan sa baba…

Toink! Salamat!

Red : Pano ko ito sasagutin? Anu sasabihin ko?

F: sabihin mo “Hello” tapos “Sino po sila” or sabihin mo “Thank you calling, How can I help you?”

Red : Hello! Thank you for calling, How can I help you?

Phone : Sino ito bakit parang pinigang itlog ang boses mo?

Red (thinking) : Loko ito ha!

Red : Tulog po si bossing, kunin ko na lang po message mo…

Phone : Ahh okay, aba ang loko my secreatry na, boses lata naman…

Red (thinking) : loko ito, nanlait pa! ikaw naman Boses Chipmunks!

Phone : anyway, pakisabi na lang na… blah… blah!…

Narrator : After 3 hours…

Red : Boss, may tumawag syo, tulog ka kasi kanina kaya kinuha ko na lang yung message nya…

Boss : ganun ba?!? Salamat!

Boss : Alam mo laking pasasalamat ko at naisipan mong kunin ang message nung tumawag… pero sa sususnod, ayusin mo naman ang sulat mo… hindi ko kasi maintindihan…

Malinaw naman ang sulat ko ha… Minsan may pagkatanga din itong bossing ko…

The End…

Sparring session with cousin F…

F : Lesson Number 1. “Always On-Guard”… Kahit alam mong laman ka na sa labanan, huwag ka pa ring paka-kasiguro…

Red : Ganito ba ang ibig mong sabihin ng “Lesson Number 1”?

F: Mabilis kang matuto bata… pero Lesson Number 1 pa lang yan…

Red : Huh!?!

Red : waaaaaa….

F : Lesson Number 2. “Always bring a back-up”… If all else fail… they don’t!

Red : Madaya ka talagaaaaaa……

 

 

hmmm… gutom na ko… anu ba masarap kainin?

wala namang makakain dito sa organizer…

‘lang ‘ya naman ito si bossing, hindi na nga nagtira ng pagkain, hindi pa naghugas ng pinagkainan…

delata? na naman! wala na bang iba… puro delata na nga si bossing kaya ganun mag-isip…

Ref!?!?!

ang bigat… hmmmpf…

Anu kaya ang masarap kainin…

Tiger? baka ma-hyper ako at hindi ako makatulog…

Pancit Canton? magluluto pa ako… Stikk-O? ang hirap naman buksan… nasan na ba yung Blaster ko?

Masarap ito… kaso sa chicks ni bossing ito eh… ‘wag na baka antukin pa ko… buntis pa naman yun…

Bingo! This one looks good!

ang kuripot talaga ni Boss… hindi pa seedless ang binili…

isa pa nga…

ang pinto!

‘waaaagggg!

I’m dead…

Toink!

Isang araw…

“Ayos ito…”

“Okay pala ito… kelan kaya kukuha si Boss… Atat kasi sa Sinanju, eh wala pa nga…”

Nori : “Red, mukhang busy ka dyan, anu ba yan?”

Red : “Uncle, kaw pala… bagong comics, Sangokuden daw…”

Nori : “You’re reading this crap?”

Red : “Uncle… This is a good read… halika may papakita ako syo… stash ni Bossing…”

Red : “Uncle… these, are the good stuff…”

Nori : “You call this good?…”

Red : “Uncle patulong ibaba natin… Isa ito sa paborito ni Bossing, Pugad Baboy by Pol Medina…”

Nori : “Mukhang maganda nga ito… Sige nga subukan nating i-try…”

Red : “Tignan mo… astig naman di ba?… may social humor sabi nga nila…”

Nori : “Mukhang maganda nga… ayos din… but still, parang hesitant pa rin ako…”

Nori : “Red… Red… Red… ok nga ito mga binabasa mo, but this is not the reading material for you… come on let me show something… something good!”

Red : “Weeh…”

Nori : “My dear nephew, up there on the box is ‘THE’ the reading material…”

Red : “hmmm… try natin ibaba yung box…”

Red : “Uncle, sigurado ka ba sa pinaggagawa natin?”

Nori : “Wag ka nang magreklamo… tulungan mo na lang ako, ang bigat eh…”

Nori : “This is what I call reading material… ”

Red : ” Hindi ko alam na meron ganito si Boss…”

Red : “Yes! Angel Locsin… Salamat Uncle!”

Nori : “See… what did I told you!”

Red : “Ayos talaga ito… Simpleng Manyak din kasi itong si Bossing minsan…”

Nori : “Alam ko maliban sa FHM, may Maxim pa sya na cover si Kaye Abad at meron din syang Playboy Philippines at Playboy International… kapag nakita ko kung saan nakatago yun, sasabihin ko din syo…”

“The Best ka talaga Uncle! Ikasa mo!”…