Archive for May, 2011

Found this article and I just want to share it…

DISCLAIMER: Resemblance to any person or to any incident to  all names, characters and incidents portrayed in this article are purely coincidental…

It will never be a suicide…

Namulat ako sa mundo na may magandang pananaw sa buhay siguro dahil na rin sa pagpapalaki ng aking mga magulang. Naging positibo ang paningin ko sa lahat ng bagay and I’ve learn how to see the positive side of things, always seeing the brightness in even the darkest moment. Kaya tuwing may naririnig ako sa balita na nagpapakamatay ang tingin ko sa kanila ay ‘lossers’, ‘weaklings’ or just plain ‘idiots’… sarap kayang mabuhay sa mundo! Pero nagbago ang lahat ng ito noong ako na mismo ang nalagay sa situation na ako mismo hindi alam kung papaano nangyari…

Noong ako’y naglaho at tumira sa lumayo, nakakilala ako ng mga taong tumulong sa akin, mga taong naging bahagi ng madilim na parte ng aking buhay. Sila ang ilan sa mga taong naging sandigan habang tinatahak ang bahaging ito ng aking buhay. Isang araw naka-tanggap kami ng masamang balita na isa sa mga ka-tropa namin ay napabalitang natagpuang walang buhay sa itaas ng punong langka. Hindi ko lubos maisip papaanong ang isang masayahin tao, may anak at madaming pangarap ay nagawang wakasan ang buhay nang dahil lamang sa isang latang gatas. Noong una hindi ko talaga makahanap ng dahilan kung bakit, pero noong nalaman ko ang buong istorya tsaka ko lang naintindihan ang lahat, na may mas malalim palang dahilan sa likod ng isang latang gatas…

Dahil sa pagmamahal (sabi ng iba, kabaliwan) sa isang babae, iniwan ko ang lahat, mga kaibigan, pag-aaral, matinong buhay, regular na trabaho, pamilya, mga magulang… Sabi ko saarili ko sya na! sya na ang gustong nakasama sa buhay. Ginawa ako ang lahat, nagpursige, ginapang ang lahat mabigyan kahit man lang isang katanggap-tangap na buhay. Ngunit hindi pa rin sapat ang lahat. Ipinagpalit ang (litrally) lahat para lang sa isang minamahal ngunit makalipas ang mahabang panahon napunta ang lahat sa wala nang malaman kong sa kabila ng aking pagsisikap at sakripisyo ay nakuha pa rin nyang magmahal ng iba… Dito ko unang ang naisip, naramdaman at nagawa ang isang bagay na noon ay ang aking basihan ng kahinaan…

Dahil sa galit, sa gulo ng ng isip at pagiging mag-isa, (ito kasi yung mga bagay ayaw kong sabihin sa mga tropa ko) at sa pagnanais na makuha syang muli, kung anu-anong bagay ang ginawa ko… kinausap ko sya, sinubukan ayusin ang lahat, binago yung mga ayaw nya, binigay mga bagay na gusto nya ngunit sa kabila ng lahat pangungutya, panlilibak, panunumbat ang kanyang sinukli. Sinambit nya ang mga bagay na ni sa panaginip hindi ko naisip na manggagaling sa kanya. Bawat salitang kanyang sinasabit ay parang kahoy na gumagatong sa apoy ng aking pagkalito, parang ihip ng hangin na nagpapaypay sa baga ng aking pagkadiskaril, demonyong bumubulong na gawin ang mga bagay na hindi dapat gawin.

Minsan sa aking pag-iisa at dahil na rin sa mga tinig na paulit ulit na umiikot sa aking isipan, nakita ko ang ilang botelya ng iba’t-ibang gamot na aking ininom na nagbabalasakaling bumula ang aking bibig, ngunit ang tanging kumulo ay ang aking tyan, LBM ang tanging kinahinatnan. Matapos ang gera ng aking sikmura, kutsilyo naman ang aking napagdiskitahan, subalit noong oras na itatarak ko na ang punyal sa aking dibdib, bigla syang dumating at nakipag-agawan sa punyal, ang pilat sa aking kaliwang hintututo ang panghabambuhay na magpapa-alala sa akin ng tagpong yun, malamang alam nyo na ang kinahinatnan, ito ako buhay! Makalipas ang ilang araw, lutang pa rin ang aking pag-iisip at sa aking pagbibisekleta sa kawalan, nakakita ako ng isang tulay na may kataasan, hindi ko na maalala kung pano pero natauhan na lang ako na nasa ilalim ng nasabing tulay, duguan, may pilay ang kanang paa, walang baling buto at buhay! Hindi pa ako gumagaling ng tuluyan, nabundol naman ako ng isang motor, nagbagulong-gulong ako sa kalsada at nang bukas ko ang aking mata, gulong ng isang Fortuner ang tumambad sa akin. Tumilapon pala ako sa kabilang gilid ng kalsada at saktong may parating na Fortuner na saktong nakapag-preno bago magulungan ang ulo ko. Noong oras na yun, wala akong magawa kung hindi ang mapa-iyak, magpasalamat sa dyos sa panibagong buhay at sa puntong yun masasabing kong natauhan ako.

May napanood akong isang pelikula na nagtatak sa aking isipan ng mga salitang, “It was never a suicide, it was a murder…” Napa-isip ako, bakit nya nasabi yun? Samanatalang sa aking pananaw ay walang ibang may kasalanan kung hindi ang taong sya mismong kumitil ng kanyang sariling buhay. Ngunit habang tumatakabo ang istorya, tsaka ko napag-isip na ang bawat kilos ng tao ay may dahilan, may rason. Bigla kong naisip ang tropa ko sa langka, maliban sa isang latang gatas, pressure pala mula sa taong kanyang pinaglalaan ng bawat butil ng kanyang pawis ang maaring naging trigger kung bakit nya nagawang kitilin ang kanyang paghinga gamit ang lubid at ang sanga ng langka. Gaya ng isang tauhan sa palabas, labis na pagkapahiya at panlilibak mula sa taong kanyang inaasahang tutulong sa kanya ang dahilan ng pagtalon nito sa bintana. Yung isa naman ay isang matinding decision ang ipinataw sa kanya na makakabuti ng kanyang buhay o makakapagpabagsak sa pinagkaimportanteng tao sa kanya buhay ang nagtulak sa kanya upang isampay ang kanyang leeg sa sampayan. Naisip ko rin bigla yung nangyari sa akin, ang taong aking minahal ang naging gatong sa paggawa ko ng katangahang yun.

Sa lahat ng ito ay iisa lang ang common demoninator, ang pinakamahalagang tao sa kanilang buhay. Sa tingin ng iba, sa tingin natin, non-sense ang mga dahilan nila kung bakit ginusto nila makita ang may kapal nang mas maaga. Nabasa ako na lahat tayo ay may tendecy magpakamatay, iba-iba nga lang ang level, meron na malakas ang paninindigan, meron naman kaunting sipa lang ay bibigay na. Sabagay, kung yung nag-iisang tao na iyong inaasahan ang mismong bibitaw, saan ka pa ba pupunta? sino pa ba ang malalapitan mo? saan ka pa tatakbo? Kaya minsan, hindi mo din sila masisisi, sabi nga, Hindi natin pwede i-conclude kung bakit ganun mag-isip o bakit ganun kumilos ang isang nilalang, lahat tayo ay may kanya-kanyang karanasan na naghuhubog sa ating paglaki at naging dahilan kung anu tayo at kung nasaan tayo ngayon.

Kamakailan lang, may nagawa na naman ako na pang habambuhay kong pinagsisihan at pagsisihan… Dahil sa kabaliwasn at katangahan, nasaktan ko ang aking minamahal,at ang naging dahilan para mag-stay at lumaban. Sa dami ng kabiguaan ko sa buhay, ngayon lang ako nasaktan ng ganito, daig pa nito ang pinagsama-sama pighating naranasan ko. Bawat salitang kanyang sinasambit ay parang punyal na unti unting pumapatay sa aking pagkatao. “Ayoko na kitang makita kahit kelan, pinagsisihan ko na nagkakilala tayo” mga salitang muling pumukaw sa demonyong sa akin ay nagkuubli, mga salitang paulit-ulit naririnig at tila bolang pa-ikot ikot sa ulo kong ang tanging laman ay kawalan. Ito rin ang mga salitang nagtulak sa akin na muling pagtangkaan wakasan ang aking buhay.

Halos dalawang oras akong naglalakad habang lito ang isip at habang nag-e-echo sa aking ulo ang mga salitang nag-u-udyok sa akin. Muli akong nakatagpo ng isang tulay na binalak kong talunin. Susulat na sana ako ng suicide letter nang biglang nahulog ang wallet ko at tumambad sa akin ang isang larawan. Ito ay ang unang larawan ng mga magulang ko mula nung ako’y magbalik galing sa matagal na pagkawala. Ang tagpong yun ay tila cholesterol na kumurot sa aking puso, ang kanilang mga ngiti napalinaw sa aking isipan. Sa mahabang panahon ng aking pagkawala ay kasabay din nito ang paglaho ng ngiti sa kanilang mga labi. Sa haba nang panahon na puro paghihirap ang aking hatid sa kanila, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag muling naglaho ang kanilang mga ngiti. Tila nananadya ang tadhana, akalain mong nasa wallet ko rin pala ang larawan ng aking mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay, pati na rin ang larawan ng taong aking nasakatan na dahilan sana nga muling paggawa ng katangahan. Hindi ko kayang mawala ang taong sanhi ng lahat ng ito, pero mas hindi ko kayang mawala ang ngiti sa labi ng aking mga kaibigan, mahal sa buhay at lalo na ang mga magulang.

Ewan ko ba kung bakit ko sinulat ito. Siguro isang payo na lang… kahit gaano kayo kalugmok sa kalungkutan, pagkadismaya o pagkadiskaril, isipin nyo na lng na may nagmamahal sa inyo at sila na lang ang isipin nyo. Hini matatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali…