Share the Road…

Posted: November 27, 2013 in Uncategorized
423077_406193232783579_997349794_n

14th Tour of the Fireflies (2012)

Ilang taon na rin akong “pop-corn” mode sa mga events ng Firefly Brigade bago ako sumali sa isa. Since 2009, nung bumalik ako sa pag-bike, na-engganyo na ako sa mga events at advocacy nila. Noong 2012 nga sumali ako sa 14th Tour of the Fireflies.

First time ko yun, considering non-profit NGO sila, masasabi kong very organized sila. Wala issue sa information dissemination, inform ang mga tao, alaga ang mga volunteers. Since the 14th TOF, sumasama na ako sa mge events nila, lalo na sa mga Critical Mass Rides (CMR). Enjoy ako sa mga CMR, kung saan saan nakakapunta, kung anu ano ang nakikita at kung sinu sino ang nakikilala. Maliban dun, dumadami rin yung gulo between motorist at bikers habang nasa CMR. Yung gulo sa may Circle, yung sigawan sa may Quezon Ave., yung diskusyunan sa may España. Lagi kong sinasabi, “Minsan lang ito pagbigyan nyo naman kami…” Pero minsan napapa-isip din ako, tama kaya yun.

1477941_564591110277123_887253144_n

15th Tour of the Fireflies

Dumating ang 15th Tour of the Fireflies, same place, start/finish sa Tiendesitas, nandyan ang mga Marshalls, ang mga Poilce escorts at mga pulutong ng mga siklistang kung saan-saan nagmula. Kung titignan, para natural lang, “same-old, same-old” ika nga, pero parang may kulang pa rin, parang may nagsasabi sa akin na may kakaiba sa taon na ito.

Una, hindi sila naglabas ng opisyal na ruta. Madami tuloy motoristang naabala kasi hindi nila alam na dadaanan pala yung peloton sa lugar na yun. Pangalawa, kulang ang visibility ng mga marshals, ang dami nila nung unang, pero sa katagalan, nawala sila. Pangatlo, kulang ang tulong ng partner LGU. Sa Marikina na nga lang, wala kang makikitang traffic enforcer or marshals, lalo na sa may fly over papapasok ng Marikina pagliko galling ng Katipunan, nakipagpatentrero kami sa mga patok na jeep na pababa ng Marcos Highway. Pagdating naman sa may Loyola, ang haba ng traffic ng mga sasakyan at ang bawat sikilista at parang mga dagang lumulusot sa paligtan ng mga jeep at iba pang sasakyang ipit sa traffic. Ako nga mismo siniksik ng 2 jeep na nag-uunahan sa pasahero at tanging simalba sa akin ay ang aking handle bar. Pang-apat, kulang sa tubig, sa buong ruta, 2 lang ang hydration station na nadaanan namin. At huli, ang ruta, hindi sya ganun ka “child-friendly”, puro fly overs, puro paakyat, puro busy street/high ways, yung ibang bata nahihirapan lalo na sa mga paahon. Yung isang pamilya nga na foreigners, hindi na kinaya kaya pagdating N. Domnigo, humiwalay na sila. Suma total, opinion ko, hindi sila prepared at hindi sila organized.

DSC_1720

Crank Warriors – 15th Tour of the Fireflies

Natapos naman ng matiwasay, maliban sa Miss Earth na sumemplang sa may C5 at dun sa nagka-cramps sa may SM Marikina, wala naman akong ibang nakitang ibang naaksidente. Natapos na maaga, maaga pa para sa laban ni Pacquiao. Pagkatapos naming mag-Jollibee, umuwi na rin kami. Pagdating sa bahay at pagkatapos makita yung resulta nung laban ni Manny, naghanap na ako sa mga pics sa FB kuha sa TOF, kaso mas maraming complains kaysa pics ang nakita at nabasa ko. Kaya napa-isip tuloy ako, sino ba ang may mali, kami bang mga siklista na naghari-harian sa daan or yung mga motoristang makilitid ang utak?

Sa tingin ko hindi lang iisang paning ang may problema… Una, yung mga oraganizers, kulang talaga sa awareness at information dissemination. Anu ba naman yung mag-guest sila sa mga morning shows or lumabas sa 24 Oras or TV Patrol or mag-padyaryo kahit isang buong buwan  bago yung event para malaman ng madla na may event sa araw na ito at iwasan nyo ang mga daang ito. Pwede din naman na maglagay ng notice sa mga major routes na dadaanan, para kung sinuman ang papadaan doon alam na may event sa araw na nakatakda sa lugar na yun. Pinaka simple, maglabas ng ruta buwan bago ang event. Ang mga siklista, nagtra-trabaho din yan, may mga kasama yan sa trabaho na gumagamit din ng sasakyan, kung alam nila ang mga rutang madadaaan, masasabihan nila yung mga kasama nila para makaiwas sa mga lugar ng event.

1441359_564598763609691_1691220072_n

36.0 KM Route

Pangalawa, yung mga LGUs, bilang LGU, kung nag-commit ka isa event na tulad ng TOF, sana naman be responsible enough manage your own turf. Maglagay ka ng Traffic Enforcers or Marshalls sa mga critical na lugar, ikaw na rin mag-disseminate ng mga information sa nasasakupan mo, mag-set ka ng mga alternative routes para sa mga motorist mo. Ang pagsuporta sa mga ganitong event at hindi lamang natatapos sa pagpapa-print ng logo mo sa Jersey ng siklista or sa pagpapadaan ng peloton sa lugar mo, sana na lang be responsible enough to take care and guarantee the safety of your riders and at the same time, don’t make your motorist suffers.

Pangatlo, ang mga motorist, bilang motorist, responsibilidad mo na alamin ang mga kaganap sa paligid mo. Hindi mo pwede isisi sa iba kung hindi mo inabutan ang laban ni Pacquiao dahil na sa sobrang traffic dahil lang may event. At kung maiipit ka man sa alangin, wag mo nang patulan ang mag siklista, 2 gulong nila, ikaw 4 tpos may motor ka pa, kaunting pina mo lang sa mga yan, semplang, tumba at worst, patay na yan, kaya relax lang.

Huli, ang mga siklista, Alamin mo man o hindi, madaming siklista ang barumbado at walang disciplina. Marami ang nagsasabing igaalang at pagbigyan naman daw ang mga siklista, pero pano mo naman sila igagalang kung karamihan sa kanila, hindi marunong sumunod sa batas trapiko. Lagi kasi nilang sinabi na ang batas trapiko ay para lamang sa mga sasakyan, pero mali po yun, ang batas trapiko ay ginawa pa sa sinumang gumadamit ng ating lansangan, mapa pedestrian, motor, kotse, jeep, trak or bike ka pa. Siguro kung disiplinado tayong lahat at sinunod natin ang mga marshalls na “single-lane lang po” hindi siguro ganun kadami ang na-traffic. Yung iba kasi, nag-over take pa sa mga Marshalls, akala mo may hinahabol, mga sirs, fun ride po ito hindi karera. Nagmamaneho rin ako dati, ilang beses na rin na-aksidente, isa lang ang natutunan ko, walang gulo sa kalsada at aksidente kung lahat may disciplina.

shareroad

“Share The Road”
– Bike – Cars – Pedestrian –

SHARE THE ROAD. Yan madalas kong makita sa mga jersey ng siklista at yan din ang madalas kong marinig sa kanila, at sa iba’t –ibang groups at club, pero sa tingin ko hindi lahat alam kung anu ang tunay na ibig sabihin ng sa mga salitang yan.

LINK : 15th Tour of the Fireflies Photo (c/o Diversions)

Disclaimer : ito po ay isang opinion lamang ng isang siklistang natural na usisero… Salamat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s