Yes Madam…

Posted: February 26, 2012 in Uncategorized

Four months ago… Umalis ako sa pakipag-usap at nagpunta sa pakikinig… Masaya ako kasi, una, no more calls! no more CST! no more RR! no more EPIX!, at pangalawa, makakasama ko sya! Mali pala ako! Mag-calls pa rin pala ko ng 2 days a week! Sayang!

Pero natuwa talaga ako kasi sa mahigit na 4 months na hindi kami nag-uusap at nag-iiwasan, sa wakas, magkakatrabaho ulit kami, just like giving me another chance, at lalo pa akong natuwa nung nalaman ko na I’m one of their choices for the position.

I took the “trial peroid”… 3 days audit, 2 days call… the first few weeks are tough! 1st, binigyan lang ako ng 30min crash course. 2nd, binigay lang sa aking yung audit form at bahala na ko! 3rd, hindi ko alam ang gagawin ko! at last, kapag nagtatanong ako hindi ako masagot ng ayos… Feeling ko, napadaan lang ako par bumili ng suka tapos pinag-auddit na… Naiinis talaga ako sa pressure na binigay sa akin… they want me to do things that I don’t know what and how to do! Ni-wala nga akong access sa ibang gamit! Pero hindi naman ako iniwan ni madam, yun lang lagi nakasigaw!

Dumating ang panahon na dapat nang tapusin ang “trial period”… Pinag-a-apply na yung iba… sa totoo lang, nagdalawang isip ako, naghalo yung personal feeling ko sa trabaho… Kinausap ko mga malalapit na kaibigan, sinabihan na sila na lang ang mag-apply, pero ayaw nila! Ako na lang daw! Naisip ko tama sila, hindi pinag-hahalo ang personal na nararamdaman sa trabaho, tsaka pano ko mapapatunayan sa sarili ko na naka-get over na ko kung hindi ko sya kayang harapin… So nag-apply ako at naging formal ang aking position…

First few weeks are not only tough! Its a living hell! Presured na presured ako sa Boss, sa Sup at lalo na kay madam! Grabe ang pukpok sa akin ni madam, taas ng expectation nya, at tuwing hindi ko na-me-meet nasisigawan ako! nadale ako sa MOC! or nakakarecieve ako ng email na masahol pa sa IR… May mga pagkakataon pa nga nagsisigawan kami na sa sobrang lakas natatameme ang mga agents… Umabot pa nga sa point na kinausap ako ng boss ko, na gawan ko ng paraan yung pagtatalo namin kasi naririnig ng mga agent, kung hindi ko daw kayang gawan ng paraan sya na daw ang makikialam… Sabi ko naman ako bahala! kaya ko ito! pero deep inside “kakayanin ko ito… huhuhu”

Umabot ako sa puntong pinagsisihan ko kung bakit tinanggap ang position na ito… Umabot pa sa puntong naisipin ko na ginagantihan lang ako nito… Pero noong minsan akong sumama sa business review, nakita ko ang kakaibang madam… malayo sa nakikita ng karamihan… doon naitindihan ko yung pressure na nakpatong sa kanya… pressure na hindi inaasahan natanggap noong nawala yung dating kasama nya… presure na kailangan nyan igapang ang buong account ng mag-isa lang sya… doon ko naitinddihan kung bakit ganun nya ako pukpokin! kung bakit nya ako banatan ng ganun! Sa puntong yung nagbago talaga ang tingin ko sa kanya… at mula noong sinabi ko sa sarili na pagbubutihan ko ang ginagawa at ginawa nyang lahat yun para na rin sa ikabubuti at ikakaayos ko! Pinupukpok nya ako kasi ayaw na ayaw nya may kumwe-kwestyon kung bakit ako ang napili… ayaw na sinisigawan ako ng mga kasamahan namin… ayaw ng sinasabihan ako na puro ako sablay… ang gusto nya mag-excel ako para maipamukha sa mga kasamahan namin na nararapat ako sa trabahong ito! Minsan tuloy naisip ko “buti na lang hindi naging kami, kung hindi matutulad ako sa kakilala ko na nabubuhay lamang sa likod ng sucess ng kanyang katuawang…”

Lumipas ang mga araw, nagtatalo pa rin kami pero hindi na madalas… in fact ang laki ng pinag-bago nya mula noong nag-umpisa ako… hindi ko mapaliwanag, basta! kahit mga ibang tao nakapansin na ang laki ng pinagkaiba ng pagtrato nya sa akin… tsaka natuto syang makinig, hehehe… kapag alam nyan tama ako at wala sya maibanat mag-“nyenyenyenye” gesture na sya sabay dila or hampas or sipa sa akin… sweet nya noh!… until recently na nag-aaway na naman kaming parang bata… anu magagawa ko ganun kami! away-bati-bati-away… ganyan lang ang buhay, mas bullshit naman kung hindi kayo magkontrahan di ba! Naisip ko nga, kaya siguro inaaway ako nito kasi aalis na ako, siguro ma-mi-miss nya ko! bwahehehe… ASA!

Gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanya.. para sa lahat! kahit hindi pansin minsan, ang dami kong natutunan… akala nya kasi binabalewala ko sya, akala nya wala akong natutunan, akala nya hindi ko na-appreciate mga ginawa nya… kung alam lang nya… ganito lang talaga kasi ang image ko, laid-back na pasaway! Anyway, salamat ulit sa kanya… sana ganito na langs lagi tayo… magkasundo!

😛

Advertisements
Comments
  1. ladyanne says:

    Made me smile 🙂 d maxado kita sa likod ng salamin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s