Archive for May, 2010

My phone with Baller Band

Undoubtedly, Baller Bands are the most common give away last campaign period. In fact, my brother has a huge stash of these baller bands, ranging from Presidential candidates to Mayors and councilors. I’ve been wondering, what will he do to those freaking baller bands?

Our younger brother think of something unusual… He used the baller bands as accents for his cell phone. I tried it too and it look great. However, since I’m using an Old Nokia 1600, when I tried this baller band thingy on my phone it decreases the ring volume by almost 50% and degraded my signal by a bar as it covers vital “slots”/”vents” on my phone. So I decided to ditch the bands I won’t compromise reliability over beauty… it worked on my siblings’ phone by not mine… = )


Advertisements

Up and Running…

Posted: May 5, 2010 in Uncategorized

My humble blog is up and running again… and I’ve decided to incorporate my two blogs into one… Its so difficult to maintain a Tech Blog if you don’t have any access to technical stuff anymore, so I’m giving that one up and just maintaining one… I’m not that good in writing and I even have a lousy grammar but I think this is the start… Great things start with small beginnings…

Hope you don’t get bored with my ‘simple-yet-humble’ stuff… hehehe… one thing is for sure, hindi ako “Jejemon” so expect not to see those things here… jejeje… este, hehehe…

May 5, 2010 around 3:30AM, nagising ako at gutom dahil sa mahabang pagkakatulog, tinatamad akong magluto ng walang kamatayang hotdog, kaya naisipan ko na lang lumabas at maghanap ng makakainan. Una tumambang sa akin ay si 7-11 na aking agad na tinutulan, hotdog din lang ang meron dyan. Sumunod na nang-akit ay si Burger King, na aking muling tinanggihan, bukas pa ang  sahod at Php 200 na lang ang pera ko, kapag dyan ako kumain tapos ako. At mula sa kawalan nakita ko ang bubuyong kung saan allergic si Ronald (McDonald) na parang nagsasabing, “wala ka palang pera namimili ka pa, dito ka na lang”…

Binalik na pala nila ang breakfast sausage which I truly love! This time, that round breakfast sausage is sandwich between two halves of a rectangular pandesal with scrambled egg and butter, perfect compbination that I’m longing for. Ang masama lang hindi sya pwedeng “with cheese”, sabagay kapag nilagyan mo sya ng cheese aagawin ng alat ng keso ang linamnam ng sausage. Perfect sana ito with Hot Choco, kaso hindi maatim ng tyan ko ang kahit anong choco drink, kaya brewed coffee na lang ang pinamtukal sa pagkain bumara sa aking lalamunan dahil sa katakawan. Nga pala, nag-improve na rin ang Brewed coffe nila, hindi na sya ganun ka tapang hindi tulad dati na naka-ka-apat na creamer at limang sugar na ako eh hindi pa rin matanggal ang pait, kape po ang inorder ko at hindi beer na mainit.

Suma tutal, nakaraos ang aking almusal (happy and satisfied) at dumiretso na ko sa ITLog para isulat ito. Hanggang sa muli…

PS.
Gutom na ulit ako, anung masarap na tanghalian?

Pampanga is known as the “Culinary Capital of the Philippines” and there’s no arguing about that. Most the delicious food are from Pampanga. I am proud to be a ‘kapampangan’, yung nga lang I’m not that good in cooking, pero masarap akong kumain. A known Kapampangan-origin Restaurant is offering one of the Best Halo-halo in the Philippines (or probably, even, in the whole world). Its been always a mystery why this halo-halo taste so good even if it only has four sahog or halo, mainly, (1)Minatamis na saging, (2)Macapuno, (3)Pinipig and (4)Leche Flan. During my Apo’s (kapampangan term for ‘lola’) wake, and thanks for my cousins (and pagiging usisero), I think I discover this summer refreshment’s secret.

Just like what I mention, it only has 4 main ingredients, but actually there more than that. Aside from saging, macapuno, pinipig and leche flan, there is milk, ice and buko juice, and yes, buko juice is included in the concoction.

Secret number one (1), Its on how you cook the banana. Its two-part water to one-part banana to one-part sugar. Let the Sugar-Water mixture boil first then add the banana, doing it this way ay  hindi ma-o-overcook yung saba, then hayaan mag-reduce yung liquid pero ‘wag susunugin kasi gagamitin natin yung extra liquid later. Secret number two (2), Real Macapuno. We use authnetic macapuno and not the commercial one. Sa mga hindi po nakakaalam, wala po talagang puno ng macapuno. Ang macapuno ay isang sakit ng puno ng niyog kung saan kaunti o walang sabaw at masyadong makapal ang laman. As far as I know, PhilCoA is already looking for ways on how to propagate these trees. Anyway, balik tayo sa Halo-halo, as I said, we use authentic macapuno at hindi minatamis na buko lang na gaya ng iba. Secret number three (3). Only Egg Yolk on the flan. Kasi yung iba whole egg ang nilalagay, instead na yolk lang at we panutcha for our caramel. (sorry hindi ako makanap ng picture ng panutcha) No special treatment with our pinipig as long as freshly toasted okay na yan. Lastly, and most probably, the main secret. “Special Ice”, its no ordinary ice, its a sepcialized ice made of water, buko juice and a milk, that’s why its so smooth and creamy and melts in your mouth not on your spoon.

Now you have all you need, just assemble it. Macapuno muna, then saging, then pinipig, then the special ice, then milk, then a slice of leche flan and the caramel (sabaw ng minatmis na saba) as the sweetener and Enjoy…

Disclaimer:
When we try to duplicate the said ‘delicacy’, these are the procedures that we follow and It doesn’t mean that the said establishment is also doing the same thing. That’s their company secret and what I am sharing is my OWN secret. hehehe.. =P

Lucia "Apo Lucia" Canlas-Sawal Paalam po Apo at Maraming Salamat... December 13, 1926 - April 22, 2010

Pag uwi ko galing trabaho, una kong inasikaso ang mga damit na aking dadalhin sa laundry shop nang may na-receive akong text mula sa aking kaisa-isang kapatid na babae. “wla n s apo..nandun naun sa sta.lucia. .d2lhn. .<alone> [hinahanap ng puso]” ang tumambad sa akin nang pindutin ko ang buton sa akin cellphone. Pabiro ko pa sya sinagot na… “oist Ms. Alone hinahanap ng puso, wrong send ka yata… hehehe…” sabay pasok sa banyo dahil sa tawag ng kalikasan. Sa aking paglabas, may “1 Message Received” na naman ako. “. .22o Nun Kua . .papunta nga kami naun ng sta.lucia eh.” Hindi ko ma-gets kung ano ang ibig sabihin ng kapatid ko pero kinakabahan na ako. Maya maya pa ay tumawag na si mama at kinumpirma ang lahat. Ang aking pinakakamamahal na apo (o lola) ay pumanaw na.

Medyo nabigla ako, hindi ko alam ang sasabihin, medyo nagalit pa nga ako kasi may nararamdaman na pala si lola ni hindi man lang kami sabihin ng mga pinsan at mga tyahin ko na nasa Pampanga na lagi nyang kasama. Parang ang bilis ng pangyayari para sa akin. Mahigit dalawa o tatlong taon na yata nakikipaglaban ang aking ingkong (lolo) sa kanyang karamdaman. Si ingkong hindi na makapag-salita, nanginginig ang mga kamay at hindi na makatayo ay naririto pa rin at lumalaban. Si ninang na maka-ilang beses nang na-stroke at tumaas ang presyon, at nito ngang huli ay hindi na halos makakilos, hindi na makakain at hindi na makapagsalita, ay nandyan pa rin sa amin piling. Sinong mag-aakala na si apo na malakas at nakikipagkulitan pa sa mga apo sa tuhod ay bigla na lang nagpaalam. Noong huli nga kaming nagkita (last Christmas) ay pinagluto nya pa ako at binigyan ko pa sya ng pamasko, hindi ko naman alam na yun na pala ang huli.

Naalala ko noong mga bata pa kami, tuwing bakasyon (mapa-christmas o summer) laging kaming nasa Pampanga, lagi kaming umuuwi sa bahay nila apo at ingkong. Si ingkong noon sinasaka ang maliit naming lupa sa bukid sa umaga at kubrador naman ng jueteng sa hapon. Si apo naman, pagkatapos mamalengke, ay inihahanda na ang mga panindan para sa hapon. Nagtitinda sya ng hilaw na mangga, singkamas, mais, cornick at mani minsan naman Tidtad (Dinuguan), Lelut Mais (Ginagataang Mais), Lelut Balatung (Ginataang Monggo) at Binatog. Sa totoo lang habang sinusulat ko ito ay naalala ko si apo, sa dami ng alaala ko sa kanya (kahit tuwing bakasyon lang kami magkita) hindi ko alam kung saan magsisimula. Naalala ko na nagagalit sya sa amin kapag kinukuha namin yung mga sandok, kutsarang malalaki at mga baso, palibhasa lumaki kami sa concretong cuidad ng Maynila, kaya kapag nakakakita kami ng lupa at buhangin nangangati ang amin mga paa’t kamay na magbungkal at gumawa ng kastilyong buhangin at ang mga pinakamamahal na kubyertos at baso ni apo ang aming hulmahan. Isa ako sa mga pilyong apo ni apo, madalas naming kupitan ang kanyang mga paninda, nariyang kumipit kami ng mga mangga, mani at singkamas tuwing nalilingat sya at si ninang naman ang aking tagapagligtas. Pero si apo naman ang taga-pagligtas ko kay ingkong kapag napikon na ito sa aking kakulitan. Madalas din akong makialam lalo na kapag nagluluto sya, lalo na ng bagoong. Medyo maalat kasi ang bagoong ni apo, minsang nangupit ako ng mangga, sakto naman nagpahinga si lola dahil luto na ang bagoong (isa sa mga huli nyang niluluto), pagtikim ko, medyo maalat at ang ginagawa ng pakilamerong ako ay binuksan ulit ang kalan at binuhusan ng asukal ang maalat na bagoong, awa naman dyos nagustuhan nila. Sa aming lumang tahanan (na nilibing na sa lahar), marami kaming puno kahoy dahil nga mahilig si apo at ingkong magtanim, isa na rito na mga nagtataasang mga puno ng niyog. Minsan umarkila si apo ng mag-ha-harvest (parang Farmville lang) ng mga niyog, ang mga niyog para sa binatog na kanyang tinda at ang mga buko para sa amin dahil ilang linggo na lang ay kaarawan na nya. Sa dami ng nakuha namin, sumapit na ang kaarawan nya ay umaapaw pa ang buko at niyog sa likod bahay. Ako naman, dahil sa akin nga binigay ni apo ang mga buko, bantay sarado sa likod bahay. Kaso inaya ako ng aking mga pinsan sa kung saan at sa aking pagbalik ay halos maubos ng ang aking kayamang binabantayan sa likod bahay. Umiiyak ako habang hinahanap isa isa at kinukumpiska ang bawat buko na aking makita. May katigasan din ang ulo itong si apo, alam nyang bawal sa kanyang ang matataas ang cholesterol, pero kapag dumarating kami galing maynila, asahan mo nang may nakalaan na malaking pakwan at malalaking alimango para sa aming magkapatid at sa kanya. Lumipas ang mga panahon, medyo pasaway pa rin ako. Tuwing may okasyon mahilig magluto si apo ng mga kakanin, ube, maja, suman, leche plan, cassava at kalabasang ginawang kendi ang madalas na panghimagas at sigurong (maliban sa ibang ulam) hindi mawawala ang napakalambot nyang Nilagang Baboy, isang bagay na sa kanya ko yata namana. Umaga pa lang ng disperas ng pasko, gumawa na si ingkong ng dalawa hanggang tatlong kalang-de-kahoy na sasalangan ng kawa. Pagdating ni apo galing palengke (at matapos kong kainin ang tamalis na pasalubong nya) huhugasan at kakayurin ko na ang mga sanggap sa gagawin nyang kakanin at si tatay naman ang kanyang taga-halo gamit ang mala-sagwan na sandok. Ako at ang kapatid ko naman ang taga-simut ng mga kawa kapag naluto na ang mga kakanin. Ugali din ni apo na itago ang kakanin hanggang sa kinabukasan (araw ng pasko), pero kaming magkapatid ay sadyang pilyo, hahanapin namin kung saan nya ito tinatago at kapag natagpuan ang kinalalagyan siguradong mapupuno ito ng kurot at pihadong sermon ang aabutin kapag natuklasan na sa susunod na araw.

Madaming alaala naiwan si apo, madami akong babalik-balikan at pinahadong hindi mauubusan. Hindi ko na hahabaan ito, medyo bumibigat na pakiramdam kop eh… Apo alam naming masaya ka at kayabe mo ne ing apong ginu… Apo hindi ko man nasabing sa’yo ng harapan, mahal na mahl po kita. Apo mimingat ka ne… lalawen mo kami parati ne… Mikit kata ken ne… Ingats!

PS
Ang inaalala ko pa at si ingkong at si ninang… Anu kaya ang nararamdaman nila ngayon, bakit kasi lalong makasama sa kanila yung mga nangyari. Apo ika nang bahala karela ne… Apo Salamat pu keng egana gana~

Forget about 2010 being the Year of the Tablet: It more appropriately needs to be called the Year of Six. First came Intel’s six-core “Gulftown” Core i7-980X CPU, which redefined the top of Intel’s processor lineup. Then there was AMD’s ATI Radeon HD 5870 Eyefinity6 Edition video card, which could drive up to half a dozen monitors at once. Now AMD is also meeting up with Intel on the boxcars with the release of its own new family of six-core CPUs: the Phenom II X6.

Though a few details about the new family were released last month, the chips themselves make their debut today, crowning off the performance segment of AMD’s own CPU lines. (The others, in descending order of power, are the X4, the X3, and the X2 families.) The inaugural members of this new clan are the Phenom II X6 1055T and the Phenom II X6 1090T Black Edition. In terms of price and performance, the 1090T gives you exactly what AMD has led you to expect in recent years—for better or for worse.

According to AMD, the Phenom II X6 CPUs are the company’s new flagship desktop processors, as well as the fastest AMD has put out to date. Given that they also have the most processing cores, this isn’t exactly surprising, but otherwise there haven’t been that many major changes since the last generation of CPUs.

One of the most significant is that processors in the Phenom II X6 family support AMD’s new Turbo CORE technology. Like Intel’s own Turbo Boost, Turbo CORE can “deactivate” unused or underutilized processing cores in order to boost the performance of the others. In the case of the Phenom II X6 chips, a minimum of three cores to “shut off” are required.

The Phenom II X6 processors are designed to be used in tandem with motherboards based on AMD’s 8-Series chipsets, particularly the new 890FX chipset, which is launching with the X6 family. These offer features as diverse as support for up to four discrete PCIe video cards, the AMD OverDrive software for overclocking, native support for 6-Gbps SATA, and (at least on many motherboards) USB 3.0. The new 890FX chipset, also launching with the Phenom II X6 CPUs,

Of the two Phenom II X6 CPUs released today, the only real difference comes in terms of clock speed: both actual and potential. The Phenom II X6 1055T has a standard core frequency of 2.8 GHz that can rise to 3.3 GHz when Turbo CORE is enabled, and the 1090T has a standard frequency of 3.2 GHz that can rise to 3.6 GHz.


Otherwise, both CPUs are practically identical, 45nm chips designed for the AM3 socket, with TDPs of 125 watts. Each processor also has one 16-bit/16-bit HyperTransport link at up to 4000 MTps at full duplex or up to 16 GBps bandwidth memory, and an integrated memory controller up to 21 GBps (dual-channel). Intel’s CPUs have definitely undergone the more visible changes this time around.

For Reviews <click here>

Got New Header…

Posted: May 2, 2010 in Uncategorized

I got a new header… inspired by my other blog… hehehe… the 3 images on the left (of your screen) represents me… me before everything (leftmost), the laid back me (middle) and the ‘sophisticated’ me (right)… and the girl the right (of your screen) represents the only person (except my family) who loved me at my worst and had me at my best, the only person that accepts me no matter what…

Hope you like my new header… and hopefully I can update this blog again…

See you soon…