Archive for February, 2014

Good Job Market-Market…

Posted: February 13, 2014 in Uncategorized
Tags:

ImageFeb. 13, 2014, 11:15AM. Pumunta ako sa opisina ng Ensogo sa BGC, kaso ang mga hindot ayaw mag-pa-park ng bike sa harap ng office nila, mag-park sana ako sa High Street kaso may bayad kaya nag-decide ako na pumunta na lang ng Market Market kasi libre ang parking… kaso mali ako…

Pagdating ko, sinita ako ng guard at sinabing dumiretso daw ako sa entrance kasi nandun yung bike rack… Pagdating ko dun, bigla akong hinarang ni ate sa booth at tiniketan ako… “May bayad na ang bike?”, “opo” ang sagot nya… “Php 35 po ang first 4hrs”… siningil ako sabay tanong ng pangalan, kulay ng bike, brand at model ng bike at accessories na iiwan sa bike… lahat ng info sinulat nya sa likod ng tikcet sabay abot sa akin…

Pagdating ko sa bike rack una kong napansin yung isang guard na naka-assign sa bike rack na may hawak na logbook at yung dilaw na kadena na nakapa-ikot sa mga bike sa rack… hindi ka basta-basta pwedeng mag-park… kinuha muna tikcet ko, nagsulat sya sa logbook at pinapirma ako, tsaka pa lang nya ako pinag-park sa rack at kinadena yung bike… nung iiwan ko yung helmet ko, sinita ako at dapat daw pinalagay ko sa ticket na mag-iiwan ako ng helmet, kaya kinadena ko yung helmet sa bike at dinala ang pump at water bottle ko, magtatanong pa sana ako sa kanya kaso suplado at umalis agad…

After my business with Mercury drug at Ensogo, Pagbalik ko sa parking, hiningi agad yung ticket at pinapirma ako sa logbook bago nila inalis yung kadena… ibang guard na ito kaya sinubukan kong i-rapport… natanong ko kung kelan pa nagsimula yung ganun, kaso hindi din daw alam ni kuya kasi kababalik lang daw nya galing sakit at pagpasok daw nya ng lunes nandun na yung rack pero may nabanggit daw sa kanyang nakawan na nangyari mga ilang linggo na ang nakakalipas… hindi din daw nya alam yung details pero parang nagbayad yata ang Market Market ng mahigit Php 150K para daw sa 2 bike na nawala… Hindi ko sure kung totoo yun pero naisip, hindi gagawa ng “despearate measure” na mag-assign ng isang guard para sa bike rack kung hindi malaki ang binayaran ng Market Market sa mga nawalang bike…

My take : ok na sana Market Market pero bakit ngayon lang? Ilang bike na ang nawala, sa mga empleyado nyo, sa mga tenants nyo… kung totoo man ang mga bali-balita, kung hindi pa kayo mananakawan ng mga mamahaling bisekleta hindi nyo gagawin ang ganito… Noong mga panahon na nawalan ng mga bisekleta ang mga empleyado nyo, may ginawa ba kayo? Wala! Dahil ba empleyado lang sila at wala silang magagawa kahit mawala sila ng biseklatang pinag-ipunan nila mula sa kanilang kakarampot na sahod… Ganun na ba talaga, kapag may pera ang na-a-agrabyado nagiging big issue at na-a-aksyonan agad?

Anyway, nandyan na yan e… Sana lang mapangatawanan ng Market-Market ito… sana hindi lang sa simula… Tsaka, kailangan ba talagang may bayad!? So security comes with a price… 😦

Advertisements