Archive for November, 2010

Bakit kaya…

Posted: November 25, 2010 in Uncategorized

Bakit kaya?… isa tanong na pabalik-balik sa aking isipan… Siguro ganun talaga kaya may mga bagay ka na pinag-sisihan…

Bakit kaya matapos mong matanggap ang lahat, after “Acceptance” stage, bumabalik tayo sa “Denial” stage? Bakit kaya may mga bagay na madaling maalis sa isipan pero mahirap alisin sa puso? Bakit kaya lagi tayo gumagawa ng mga bagay na pagsisihan natin kahit alam nating sa umpisa pa lang ay alam na natin pagsisisihan natin ito? Bakit kaya ang hilig nating pumapasok sa mga bagay na alam natin problema lang kahihinatnan?

Ang daming gumugulo sa akin isipan, pero ayaw kong sabihin sa iba, mas gusto kong kimkimin na lang kasi alam akong ako rin ang may kasagutan sa aking mga tanong… Pero habang tumatagal lalo lang gumugulo ang isip ko… hindi ko na tuloy alam kung tama pa ba ito o pinagtatakapan or jina-justify ko na lang ang sariling pagkukulang at pagakakamali…

Bakit ba hindi ko sya maalis sa aking sistema? Sinabi ko na sa sarili ko na naka-move na ako, nakalimutan ko na sya… All this time yun ang paniniwala ko… pero bakit sa isang iglap at dahil lang sa isang maliit na sandali, bumalik ang lahat… Kahit anu iwas ko, kahit alam kong mali, muli’t muli syang bumabalik sa aking isispan… Samantalang hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ko sya minahal…

 

Advertisements