Archive for the ‘From Me’ Category

Useful Tips...

Useful Tips…

Advertisements

Holiday in Goa…

Posted: September 28, 2011 in From Me

“Holiday in Goa” is an Indian movie in 2006… so anu ngayon?

sa India, talamak pa rin talaga ang fixed marriage, you have to marry the partner your parents chose for you. Bad trip di ba! sa story kasi, yung bidang babae ay naka-set na para sa isang fixed marriage and they are scheduled ikasal after ng graduation nya ng college. During her first few years in college, she met a man, that later on, she fell in love with… They love each other but they cant be together dahil bwakanang fixed marriage na yan… What the girl did was, she said to her parents that she needs a month vacation with her friends beacuse college was so exhausting… pinayagan naman sya ng parents nya at yung mapapangasawa nya pa ang gumastos… but instead of going to Mumbai, pumunta sila sa Goa, sya lang at yung lalakeng mahal nya… They spend their holidays in Goa for a month. Pagbalik nila biglang nagbago yung babae, itinuring nyang mortal na kaaway yung lalake, ayaw nya itong makita, ayaw nay itong maka-usap at kung anu-anong masasamang salita ang sinabi nito sa lalake… Halos mabaliw yung lalake at noong nakita nyang kinasal na ang babaeng kanyang pinakamamahal, hindi na nya kinaya yung sakit at nagpakamatay ito… after few weeks nabalitaan ito nung girl… all through out pala, ginawa lang yung ng girl para umiwas na yung lalake kasi nasasaktan ito tuwing nakikta at naiisip nya yung lalake… sa sakin, nagpakamatay din yung babae…

Very tragic noh!?! pero it happens, hindi naman ganyan ka tragic or hindi naman fixed marriage, but believe me it happens… Nangyari sa akin eh! Days before my daughter greeted the world hello, my Holiday in Goa happened. Hindi naman isang buong buwan, isang buong gabi lang. Although it didn’t when well, i’m glad that it happened, at least kahit papano nagka-usap kami and we had some sort of closure, sort of…

What I’ve learned? Everything has its purpose… my Holiday in Goa made me realize na kung anuman meron ako ngayon, anuman ang pakkikitungo nya sa akin, anuman ang nangyayari sa akin, ito ay dahil sa mga actions ko noon, mga actions ng isang taong hindi nag-iisip, isang taong pabugso-bugso… Anyway, she’s is still a part of my life, always will be… gaya nga ng lagi ko sinasabi…

I’m happy but I can be happier!

Timeline…

Posted: September 28, 2011 in From Me

Decemeber 2009
– nakilala ko sya, simple kaibigan lamang ang tingin ko sa kanya

– Binigya ko sa kanya yung choclate na bigay sa akin ni Darcy for my birthday, ayoko kasi ng Choco-Caramel, hindi lahat, yung iba binigay ko kay Ahyan.

– Kumain sa labas ang grupo, mukha sayang lalake!

January 2010
– unti unti ko syang nakikilala

February 2010
– naging close kami

March 2010
– may nararamdaman na ko at unti-unti ko na syang kinukulit

May 2010
– nung magpunta kami sa bahay, pinagluto ko sila ng Sinigang na malapot ang sabaw (dahil kasi dinurog na gabi), yung din yung time nung nalaman ni Shine at tinawanan ako

June 2010
– wala pa rin syang alam, pero inaaway na nya ako, ito rin yung time na una kong natikman ang lufet “BLOCK” at “UNFRIEND” sa Facebook.

-dito nila unang naramdaman yung Chocolate at letter na mala-kidnapped-for-ransom technique (buti na lang wala pang mga trigger happy sa phone cam, kaya hindi na-upload sa FB)

– dito na rin sya nakahalata

August 2010
– Team building sa Laguna and I dont want to go into details

September 2010
– Dress up day at hindi ko sya sinipot.

– I finally confronted her about my feelings and also the time na sinabi ko na may anak na ko a ibang babae… ganda ng timing noh!?!

– kulitan time… but I chose my daughter!

October 2010
– we continue being friends.

December 2010
– I gave her a gift she never wore.

January 2011
– we continue being friends, again… when I say friends means I feel her katarayan and meanness especially in FB!

February 2011
– the re-arranged keyboard after a day, I officially undibs…

May 2011
– my “Holiday in Goa” after that, i felt the darkest days (or months) in my life…

July 2011
– She forgived me and we stat talking again!

August 2011
– I gave her another gift that she never wore.

September 2011
– Finally, I’m unblock and friends in FB again… sa wakas! sana kahit man lang sa FB forever na.

October 2011
– Expect for the worse and hope for the best!

The never ending debate kung ano ang pipiliin… Sa tama o kung saan ka masaya… Sa totoo lang wala tamang sagot, lahat yan naka-depende sa situation at depenede sa’yo kung paano mo ‘gagampanan’… hehehe… gaya nga ng laging sinasabi ng kaibigan ko, “hindi lahat ng tama ay pwede magpasa syo at hindi lahat ng nagpapasa syo ay tama…”

Once (actually, twice) in my life na namili din ako… I dont say na tama ang pinili ko, hindi ko rin naman masasabing mali… Basta, kuntento ako ngayon sa kung anung meron ako… pero gaya rin ng sinabi ng ex ko “hindi porke kuntento ka, masaya ka at hindi porke masaya ka, kuntento ka!”…

At an early age of 21, naharap ako sa isang desisyon na bumago sa buhay ko… Ihave to choose between a new life with her (my ex-wife) or my present life… During those times, 2nd year ECE student ako with scholarship, got a permanent job at Burger King, dami ko sideline as electrician and technician at kasama ko family ko… pero sya ang pinili ko, I quit my studies, I quit my job, stop my sidelines, nalayo ako sa mga kaibigan at worst ipinagpalit ko ang buong pamilya ko sa kanya… Pinili ko kung saan ako sasaya, tinalikuran ko lahat para lang sumaya ako… pero in the end, nasan na kami ngayon? Pero I dont reget it, sa loob ng 7years na isolated kami sa kabihasnan, natuto ako kung paano mabuhay, maraming aral, maraming experience, still (I cant deny it) its one the best 7years of my life… Masaya ako pero hindi tama… Masaya ako pero hindi ako kuntento!

Recently lang I faced the same decision again… everybody knows the story kaya hindi ko na elaborate, pero for the sake na hindi alam, sabihin na lang natin na “I’m torn between to lovers…” kinda… hehehe… I have to choose between the girl the bears my daughter or the girl that I love… Oo na kasalanan ko, binuntis ko eh… pero bottom line is, I still need to choose… This time I choose what is right, pinili ko ang babaeng nagdadala ng anak ko and stop pursuing the girl that I love… I dont regret it, kuntento na ko at nagkaroon ako napakagandang anak at masaya ako sa tuwing pag-uwi ko ay nakikita ko ang mag-ina ko… pero minsan sumasagi pa rin sa isip ko yung mga what if’s ko… Kuntento ako at masaya ako pero mas may isasaya pa ko… hehehe…

So what’s exactly my point here? Kasi lately dami kong nalaman na relasyon na humaharp din sa ganitong pagde-decision… lahat sila pinili kong ano ang tama… Hindi natin sila mahuhusgahan kung yun ang pinili nila… pero ang nakakainis lang is yung mga bullshit excuses nila… No one can justify your excuses but you… pero sana have the balls na sabihin kung anu yung totoo…

For my final words… Kung haharap kayo sa ganyan decision, piliin nyo kung saan kayo sasaya… You cant please everybody, bawat decision na gagawin nyo hindi pwedeng wala kayong masasaktan, nasasyo na lang yan kung sino ang mas matimbang… Kung wala lang akong responsibilidad, pinili ko rin sya, kaso mas matimbang talaga sa akin ang anak…

Sabi nga ni Bob Ong…
“Kung mamimili ka sa dalawa, pillin mo yung pangalawa, kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una…”

I Officially “Undibs”…

Posted: February 15, 2011 in From Me
Tags: , , ,

For the past few months, lumutang ang salitang “dibs” at “undibs” which is basically assuming ownership under “The Bro Codes”… And for the past few months I’m still in this dilemma na ako lang din ang nagpapa-kumplika… So ngayon, anu ang konkesyon ng “dibs” to my “dilemma”? I officially undibs!

My true friends know how I really feel about her, kaya nga noong nauso yang “dibs” na yan, naka-auto dibs agad ako sa kanya. Alam din naman nila situation ko, which is really complicated. Kaya after kong malaman ang dapat malaman at after kong makapag-isip, I finally come to this decision, itigil na ang kahibangang ito, I officially undibs…

Whats the point of  “dibs” kung alam ko naman sa sarili ko na wala akong magagawa. Hindi ko pwede i-express ang aking nararamadam dahil sa aking situation. Paikot-ikutin ko man ang mundo, walang mangyayari sa nararamdaman ko sa kaya, niloloko ko lang ang sarili ko sa pag-aasume na may nararamdaman din sya towards me at may kahihinatnan ang nararamdaman ko. Parang wala naman sa kanya yung mga efforts ko, yung mga pinag-planuhan nga hindi nya na-a-acknowledge, small simple things pa kaya… hehehe… Parang ganito lang yan, bakit mo pilit ikukulong ang isang ibon kung gusto naman nitong kumuwala? Ikinulong mo ang ibon sa paniniwalang mapapasaya mo sya sa kanya kulungan, samantalang alam mo naman na sa kanya paglaya ay dun nya matatagpuan ang tunay na kaligayahan… sa madaling salita ‘wag nang ipilit ang hindi pwede! I officially undibs!

Kung mahal mo naman talaga ang isang tao hindi mo naman kailangan mag-dibs pa! Ipakita mo, iparamdam mo na mahal mo sya, kahit through small simple gestures. Hindi mo naman kailangan magbigay ng flowers and chocolates or bumili ng napakalaking stuffed toy or punuin ng lobong may drawing ng mukha nya at may nakasulat na “mahal kita” or guluhin ang letra sa keyboard nya just to spell “I love you” (pa’no kaya yun, isa lang na “u” sa keyboard eh), frequent, small simple gestures will do, kasi kahit small things kung frequent naman, eventually, mapapansin din naman nya yun… sana… hehehe…

Not sure kung na gets nyo point ko… One thing is for sure, I, Boboy  Advincula, officially undibs. I may have undibs you but forever you will occupy a part of my heart…

I officially undibs… ='(

I’m afraid…

Posted: July 21, 2010 in From Me

I had a very strange dream na ilang beses ko nang napapaginipan… Its about me and my son… tuwing napapaginipan ko ito, I feel very complete kahit wala pang 5hrs ang tulog ko… Sa dream ko, very cool dad daw ako, lagi ko syang kasama kahit saan ako magpunta, he’s always with me kahit sa mga office events… ang strange lang sa dream ko, iba-iba ang ina ng anak ko… una si “G”, tapos si “S” then si “T”, ibig bang sabihin nito sadya akong malandi?

Mula nung napapaginipan ko ito, parang may nagbago sakin… parang nag-iba ang priorities ko sa buhay, parang gusto ko mag-umpisa ulit sa umpisa, kalimutan ang lahat at itama ang pangkakamali… tumatanda na rin ako, kailangan naman na magka-direksyon ang buhay ko… Ilang araw-araw na rin akong nag-iisip pero hindi ko alam ang gagawin… ang dami kong gustong gawin pero takot ako…

Ilang araw din akong nagmu-muni-muni (emo kung baga)… habang tumitingin ako sa mga gamit ko, nakita yung pagbabago sa paligid ko at pakiramdam ko naiwan na ako sa pansitan… nakaramdam ako ng kaunting inggit sa mga naiwan ko dito nung nawala ako… akala ko nung una na maganda ang magpalipat-lipat ng tahanan kasi madami kang makikilala, pero hindi pala, dahil sa paiba-iba ang aking mga nakakasalamuha, nawalan ako ng updates sa mga nangyayari sa paligid, in return, mas nahihirapan akong mag-grow, feeling ko sa tuwing babalik ako sa mga lugar na dati ko nang napunthan ay umuulit ako sa umpisa… maliban sa nawala ako sa sirkulasyon, ang laki na ng inasenso ng mga taong aking naiwan at dinatnan… hindi tulad ko, dahil lang sa isang maling desisyon, sa maling sakripsyo nawala, gumuho ang mga pangarap nila para sa akin at makalipas ang halos ilang taon naghalo din ang lahat sa akin… Binuo ko lahat sa kanya, literally kalahati ng buhay ko sa kanya, kaya nung naisipan nyan bumitaw gumuho talaga ang mundo ko… Pero handa na kong humarap sa bagong umaga, umaga na sana ay maganda…

Gaya nga ng sabi ko, handa ko nang magsimula sa umpisa… may nagsabi sa akin na hangga’t nandun ako sa bahay ko ngayon, hindi magbabago ang lahat… kaya yun ang uunahin ko… may nagsabi din sakin na mas maganda na mag-umpisa akong mag-isa at ‘wag umasa sa iba nang sagayon ay mas lalo akong tumatag… ito ang isang bagay na hindi ko ginawa, umasa ako sa iba para iahon ako sa pagkalugmok, kaya ngayon balik ulit ako sa dati, confused, weak, pointless and doesn’t know what to do, where to go…

Sometimes you have to stop loving the most important person in your life Not because the spark is gone but because that person is unintentionally making you worthless… kaya nga sabi nga iba sometimes love is not enough… para hindi ko na maramdaman kasi ang sarili ko… Parang kulang na… ganito ba naramdaman ng dati nagmahal sakin? Nagiging sya na ba ako?

Masasabi kong bumalik ako sa pagkalito… Pagkalito? Takot ako! takot akong mawala ang lahat, takot ako na wala nang tumnggap sa akin, takot akong wala nang maka-intindi sa akin… Gusto ko nang kumawala pero takot ako na wala nang gaya nyan na magmamahal, iintindi at tatanggap sakin, lalo na sa ugali kong ito… Takot akong mag-isa… I want find myself all by myself… hindi ko masabi kasi takot akong hindi nya maintindihan, If I’m afraid, she very fragile… we had the same expriences and I dont want to break her heart again… I love her, but I need to learn how to love myself… Hindi ko alam kung anu ang gagawin… I’m afraid…

Gallery now online!

Posted: July 6, 2010 in From Me, Funny
Tags: , , , ,

I just uploaded some photos I took way back then… Just go to my “Gallery”… Here’s the link, just in case ( Click Here )… Hope you like it!