Paalam na Apo… (Goodbye Grandma…)

Posted: May 4, 2010 in From Me

Lucia "Apo Lucia" Canlas-Sawal Paalam po Apo at Maraming Salamat... December 13, 1926 - April 22, 2010

Pag uwi ko galing trabaho, una kong inasikaso ang mga damit na aking dadalhin sa laundry shop nang may na-receive akong text mula sa aking kaisa-isang kapatid na babae. “wla n s apo..nandun naun sa sta.lucia. .d2lhn. .<alone> [hinahanap ng puso]” ang tumambad sa akin nang pindutin ko ang buton sa akin cellphone. Pabiro ko pa sya sinagot na… “oist Ms. Alone hinahanap ng puso, wrong send ka yata… hehehe…” sabay pasok sa banyo dahil sa tawag ng kalikasan. Sa aking paglabas, may “1 Message Received” na naman ako. “. .22o Nun Kua . .papunta nga kami naun ng sta.lucia eh.” Hindi ko ma-gets kung ano ang ibig sabihin ng kapatid ko pero kinakabahan na ako. Maya maya pa ay tumawag na si mama at kinumpirma ang lahat. Ang aking pinakakamamahal na apo (o lola) ay pumanaw na.

Medyo nabigla ako, hindi ko alam ang sasabihin, medyo nagalit pa nga ako kasi may nararamdaman na pala si lola ni hindi man lang kami sabihin ng mga pinsan at mga tyahin ko na nasa Pampanga na lagi nyang kasama. Parang ang bilis ng pangyayari para sa akin. Mahigit dalawa o tatlong taon na yata nakikipaglaban ang aking ingkong (lolo) sa kanyang karamdaman. Si ingkong hindi na makapag-salita, nanginginig ang mga kamay at hindi na makatayo ay naririto pa rin at lumalaban. Si ninang na maka-ilang beses nang na-stroke at tumaas ang presyon, at nito ngang huli ay hindi na halos makakilos, hindi na makakain at hindi na makapagsalita, ay nandyan pa rin sa amin piling. Sinong mag-aakala na si apo na malakas at nakikipagkulitan pa sa mga apo sa tuhod ay bigla na lang nagpaalam. Noong huli nga kaming nagkita (last Christmas) ay pinagluto nya pa ako at binigyan ko pa sya ng pamasko, hindi ko naman alam na yun na pala ang huli.

Naalala ko noong mga bata pa kami, tuwing bakasyon (mapa-christmas o summer) laging kaming nasa Pampanga, lagi kaming umuuwi sa bahay nila apo at ingkong. Si ingkong noon sinasaka ang maliit naming lupa sa bukid sa umaga at kubrador naman ng jueteng sa hapon. Si apo naman, pagkatapos mamalengke, ay inihahanda na ang mga panindan para sa hapon. Nagtitinda sya ng hilaw na mangga, singkamas, mais, cornick at mani minsan naman Tidtad (Dinuguan), Lelut Mais (Ginagataang Mais), Lelut Balatung (Ginataang Monggo) at Binatog. Sa totoo lang habang sinusulat ko ito ay naalala ko si apo, sa dami ng alaala ko sa kanya (kahit tuwing bakasyon lang kami magkita) hindi ko alam kung saan magsisimula. Naalala ko na nagagalit sya sa amin kapag kinukuha namin yung mga sandok, kutsarang malalaki at mga baso, palibhasa lumaki kami sa concretong cuidad ng Maynila, kaya kapag nakakakita kami ng lupa at buhangin nangangati ang amin mga paa’t kamay na magbungkal at gumawa ng kastilyong buhangin at ang mga pinakamamahal na kubyertos at baso ni apo ang aming hulmahan. Isa ako sa mga pilyong apo ni apo, madalas naming kupitan ang kanyang mga paninda, nariyang kumipit kami ng mga mangga, mani at singkamas tuwing nalilingat sya at si ninang naman ang aking tagapagligtas. Pero si apo naman ang taga-pagligtas ko kay ingkong kapag napikon na ito sa aking kakulitan. Madalas din akong makialam lalo na kapag nagluluto sya, lalo na ng bagoong. Medyo maalat kasi ang bagoong ni apo, minsang nangupit ako ng mangga, sakto naman nagpahinga si lola dahil luto na ang bagoong (isa sa mga huli nyang niluluto), pagtikim ko, medyo maalat at ang ginagawa ng pakilamerong ako ay binuksan ulit ang kalan at binuhusan ng asukal ang maalat na bagoong, awa naman dyos nagustuhan nila. Sa aming lumang tahanan (na nilibing na sa lahar), marami kaming puno kahoy dahil nga mahilig si apo at ingkong magtanim, isa na rito na mga nagtataasang mga puno ng niyog. Minsan umarkila si apo ng mag-ha-harvest (parang Farmville lang) ng mga niyog, ang mga niyog para sa binatog na kanyang tinda at ang mga buko para sa amin dahil ilang linggo na lang ay kaarawan na nya. Sa dami ng nakuha namin, sumapit na ang kaarawan nya ay umaapaw pa ang buko at niyog sa likod bahay. Ako naman, dahil sa akin nga binigay ni apo ang mga buko, bantay sarado sa likod bahay. Kaso inaya ako ng aking mga pinsan sa kung saan at sa aking pagbalik ay halos maubos ng ang aking kayamang binabantayan sa likod bahay. Umiiyak ako habang hinahanap isa isa at kinukumpiska ang bawat buko na aking makita. May katigasan din ang ulo itong si apo, alam nyang bawal sa kanyang ang matataas ang cholesterol, pero kapag dumarating kami galing maynila, asahan mo nang may nakalaan na malaking pakwan at malalaking alimango para sa aming magkapatid at sa kanya. Lumipas ang mga panahon, medyo pasaway pa rin ako. Tuwing may okasyon mahilig magluto si apo ng mga kakanin, ube, maja, suman, leche plan, cassava at kalabasang ginawang kendi ang madalas na panghimagas at sigurong (maliban sa ibang ulam) hindi mawawala ang napakalambot nyang Nilagang Baboy, isang bagay na sa kanya ko yata namana. Umaga pa lang ng disperas ng pasko, gumawa na si ingkong ng dalawa hanggang tatlong kalang-de-kahoy na sasalangan ng kawa. Pagdating ni apo galing palengke (at matapos kong kainin ang tamalis na pasalubong nya) huhugasan at kakayurin ko na ang mga sanggap sa gagawin nyang kakanin at si tatay naman ang kanyang taga-halo gamit ang mala-sagwan na sandok. Ako at ang kapatid ko naman ang taga-simut ng mga kawa kapag naluto na ang mga kakanin. Ugali din ni apo na itago ang kakanin hanggang sa kinabukasan (araw ng pasko), pero kaming magkapatid ay sadyang pilyo, hahanapin namin kung saan nya ito tinatago at kapag natagpuan ang kinalalagyan siguradong mapupuno ito ng kurot at pihadong sermon ang aabutin kapag natuklasan na sa susunod na araw.

Madaming alaala naiwan si apo, madami akong babalik-balikan at pinahadong hindi mauubusan. Hindi ko na hahabaan ito, medyo bumibigat na pakiramdam kop eh… Apo alam naming masaya ka at kayabe mo ne ing apong ginu… Apo hindi ko man nasabing sa’yo ng harapan, mahal na mahl po kita. Apo mimingat ka ne… lalawen mo kami parati ne… Mikit kata ken ne… Ingats!

PS
Ang inaalala ko pa at si ingkong at si ninang… Anu kaya ang nararamdaman nila ngayon, bakit kasi lalong makasama sa kanila yung mga nangyari. Apo ika nang bahala karela ne… Apo Salamat pu keng egana gana~

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s