ECS NForce6M-A

Na-encounter nyo na ba na tuwing naka-plug ang PS/2 mouse black-out ang board? Ako? Oo! kahapon (4-3-2008)!

Mga bandang 1:30 pm, dumating ang customer complaining na intermittent dispaly daw ang kanyang PC. Upon testing na-confirm ko na sira ang board at dapat palitan ang board. Napalitan naman, kaso nag naging problema black-out nga ang board kapag naka-plug ang ps/2 mouse. 6 na unit ang nasubukan ko, pero puro ganun. Inabot na kami ng 6:30pm bago kami nakapag-update ng BIOS at sa awa naman ng diyos gumana rin.

Sa mga sumasakit ang ulo sa ganitong problema, paki-download na lng ang latest BIOS update para sa board na ito. Siguraduhin lang na para sa v.2.0 or v.2.0a ang BIOS na kukunin nyo, baka kasi ma-black-out ang motherboard nyo kapag mali ang update. For your convience, may BIOS updater (with BIOS update) (filename: NForce6MA BIOS 115.rar NOTE: you need WinRAR to open this file) sa download section ng blog na ito para sa motherboard na ito.

Sana makatulong! God Bless & May the Force be with You!

~ by Thorsenine on April 4, 2008.

Leave a Reply